^

Bansa

DOH: Polio nanumbalik sa Pilipinas matapos ang 19 taon

James Relativo - Philstar.com
DOH: Polio nanumbalik sa Pilipinas matapos ang 19 taon
Taong 2000 nang ideklara ng World Health Organization na "polio-free" na ang Pilipinas. Sa kabila nito, isang 3-anyos na batang babae mula sa Lanao del Sur ang natiyak na may polio.
Twitter/World Health Organization Philippines

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Health na muling nagbabalik ang polio sa bansa, ayon sa isang pahayag na inilabas ngayong Huwebes.

"Labis naming inuudyok ang mga magulang, manggagawang pangkalusugan at lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa synchronized polio vaccination," sabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa Inggles.

Taong 2000 nang ideklara ng World Health Organization na "polio-free" na ang Pilipinas. Sa kabila nito, isang 3-anyos na batang babae mula sa Lanao del Sur ang natiyak na may polio.

Maliban dito, isa pang kaso ng pinaghihinalaang acute flaccid paralysis ang kinukumpirma pa sa ngayon.

Sinasabing na-detect na rin ang poliovirus sa ilang sample na nakuha mula sa mga imburnal ng Maynila at waterways mula sa Davao.

Sinuri ang mga ito ng Research Institute for Tropical Medicine at bineripika ng Japan National Institute for Infectious Diseases at United States Centers for Disease Control and Prevention.

"Makikipagtulungan kami sa DOH at gobyerno ng Pilipinas na tugunan ang polio outbreak na ito," sabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, representante ng WHO Philippines.

"Lubha kaming nababahala sa pagbalik nito sa Pilipinas."

Maaaring kilalanin bilang "epidemya" sa isang polio free country ang isang kumpirmadong kaso ng vaccine-derived polio virus type 2.

Ibinahagi rin ni Duque na maglulunsad ng mga immunization campaigns sa Maynila, Davao at Lanao del Sur simula ika-14 ng Oktubre.

Ano ba talaga ang polio?

Ang polio ay isang nakahahawang sakit na mabilis kumalat.

Paliwanag ng DOH, maaari itong magdulot ng pagkaparalisa, at sa ilang pagkakataon, kamatayan.

Walang gamot ang polio sa ngayon ngunit maaaring mapigilan sa pamamagitan ng ilang doses ng polio vaccines na napatunayan nang ligtas at mabisa.

Tinukoy din ni Duque ang "poor immunization coverage," "poor sanitation and hygiene" at "suboptimal surveillance" bilang mga salik sa panunumbalik sa Pilipinas.

Pero hindi lang daw ito isyu ng pagpapabakuna.

"Maliban sa pagpapabakuna, pinaaalalahanan namin ang publiko na maging malinis sa katawan, palaging maghugas ng kamay, gumamit ng kubeta, uminom ng malinis na tubig at lutuing maigi ang pagkain," pagtatapos ng kalihim sa Kalusugan.

DEPARTMENT OF HEALTH

FRANCISCO DUQUE III

IMMUNIZATION

POLIO

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with