Ex-jail warden bagong BuCor chief
MANILA, Philippines — Nagtalaga na si Pangulong Duterte ng bagong director general ng Bureau of Corrections (BuCor) kapalit ng sinibak nitong si Nicanor Faeldon.
Itinalaga ng Pangulo si Gerald Bantag na nagsilbing jail warden ng Parañaque at Manila City Jails.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, napili ng Pangulo si Bantag batay na rin sa professional competence at honesty nito.
“The Palace is behind the President’s decision and is confident that DG Bantag will continue the administration’s campaign against corruption as he spearheads reform initiatives in the Bureau,” wika ni Panelo sa isang statement.
Magugunitang inihayag ni Sen. Bong Go na nais nitong isang ‘killer’ ang pumalit kay Faeldon sa BuCor.
Nasibak noon si Bantag sa pagiging warden ng Parañaque City Jail at dalawa pang jail guard hinggil sa naganap na pagsabog sa nabanggit na kulungan na ikinasawi ng 10 inmates kabilang ang dalawang Chinese nationals noong 2016.
Nakasuhan ng 10 counts ng murder si Bantag sa pangyayari kasama sina Jail Officer 2 Ricardo Zulueta at Jail Officer 2 Victor Pascua.
- Latest