^

Bansa

Ilang lugar sa Metro Manila mawawalan ng kuryente

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ilang lugar sa Metro Manila mawawalan ng kuryente
Sa abiso ng Meralco, sinimulan ang maintenance works nitong Linggo, Set. 15, at magtatagal sa Sept. 21, Sabado.
Ernie Peñaredond/FIle

MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Manila Electric Company na pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente o makakaranas ng power interruptions ang ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan ngayong linggong ito.

Sa abiso ng Meralco, sinimulan ang maintenance works nitong Linggo, Set. 15, at magtatagal sa Sept. 21, Sabado.

Kabilang sa mga apektado nito ang Dagat-dagatan, Caloocan City (pagitan ng 9:00AM dahil sa replacement at relocation ng concrete pole; a line reconductoring works sa Tanigue St. at Sinilyasi St.; Makati at Taguig City (pagitan ng 11:00PM at 11:30PM ng Set. 16 at 4:30AM at 5:00AM ng Sept. 17 at pagitan ng 11:00PM ng Set 16 at 5:00AM ng Sept. 17) dahil sa replacement ng poles at line reconstruction works sa Kalayaan Ave. sa Bgy. West Rembo, Makati City.

Apektado rin ang Pasong Tamo, Quezon City (pagitan ng 9:00AM at 4:00PM ng Sept. 18) dahil sa replacement of poles, line reconductoring works at reconstruction of facilities sa East Lane, Jem 2 Homes;  La Loma, ­Quezon (pagitan ng 8:30AM at 2:30PM ng Sept. 19) dahil sa line reconductoring works sa Dr. Alejos at Don Manuel Agregado Sts. Sa Bgy. Salvacion; habang sa Valenzuela City naman (pagitan ng 10:00 PM ng Sept. 17 at 5:00 AM ng Sept. 18) ay magkakaroon ng line reconductoring works at replacement of poles sa Fortune Drive, Fortune Village 5, Bgy. Paso De Blas at Parada.

Nabatid na ma­ging ang Maragondon, Naic at Ternate, Cavite (pagitan ng 8:30AM at 9:00AM at pagitan ng 3:00PM at 3:30PM ng Set. 16) ay makakaranas din ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente dahil sa repair works sa loob ng Meralco - Puerto Azul substation.

Sa Laguna naman, nakaranas ng temporary power interruption sa mga bayan ng Liliw, Nagcarlan, Pila, San Pablo City at Sta. Cruz (pagitan ng 12:01AM at 1:00AM at pagitan ng 1:00PM at 2:00PM nitong Linggo, Set. 15) dahil sa repair works sa loob ng Meralco – San Pablo II substation, gayundin ang Los Baños, Laguna, (pagitan ng 8:00AM at 5:00PM ng Set. 17) ay mayroong NGCP repair works sa loob ng NGCP – Los Baños substation, at Calamba City (pagitan ng 9:00AM at 2:00PM ng Set. 19) dahil sa relocation of pole, line reconductoring works at installation ng karagdagang lightning protection devices sa Nuvali, Bgy. Canlubang.

Hindi rin naman nakaligtas ang Lucena City sa Quezon Province sa power interruption dahil apektado rin sila nito sa pagitan ng 2:00AM at 7:00AM ng Sept. 20 dahil sa replacement of poles, line reconstruction works, line reconductoring works at installation of additional lightning protection devices sa Lucena Diversion Road, Bgy. Ibabang Dupay habang ang Angono sa Rizal Province naman ay may nakatakdang replacement ng mga bulok na posteng kahoy, upgrading ng mga pasilidad at line reconductoring works sa Carebi Subd., Bgy. San Vicente, sa pagitan ng 10:00AM at 3:00PM sa Sept. 21.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang Meralco sa mga tahanang maaapektuhan ng kanilang maintenance works at ipinaliwanag na ito’y para naman sa pagpapahusay ng serbisyong ipinagkakaloob sa kanila.

BROWNOUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with