MANILA, Philippines — Posibleng madagdagan pa ang mga lugar sa bansa na may sakit na swine flu ang mga alagaing baboy.
Ayon kay Secretary William Dar ng Department of Agriculture, may mga dagdag na lugar ang isinailalim sa quarantine dahil sa posibleng pagkakaroon ng African swine fever (ASF) sa mga baboy.
Ang ASF ay isang contagious hemorrhagic viral disease ng mga baboy pero hindi naman ito nakakahawa sa mga tao.
Anya, meron sa Central Luzon pero hindi pa maaaring ihayag sa publiko dahil matamang ipinatutupad ngayon ng ahensiya doon ang “1-7-10 Protocol” para makontrol na kumalat ang sakit.
Sa kasalukuyan, ang swine flu ay namataan na sa Rodriguez at Antipolo, Rizal at sa Guiguinto, Bulacan.