Salceda sa Gabinete: Isyu ninyo Linawin muna sa Pangulo
MANILA, Philippines — Nanawagan si Albay Rep. Joey Salceda sa mga miyembro ng Gabinete na linawin muna nila sa Pangulo ang magkakataliwas nilang mga isyu at huwag gawing palaruan ang Kamara sa kanilang hindi pagkakasundo na lumilikha lamang ng mga kalituhan, nakakadiskaril sa trabaho ng mga mambabatas at nagbibigay duda sa mga mamumuhunan.
Ginawa ni Salceda ang panawagan bilang ‘Ways and Means Committee chairman’ ng Kamara dahil sa pagkaantala ng mga prayoridad na panukalang batas lalo na ang ‘Corporate Income Tax and Incentive Rationalization Act (CITIRA) na halos pasado na maliban sa isang panukalang amyenda.
Bahagi ang CITIRA ng ‘Comprehensive Tax Reform Program’ (CTRP)’ ng administrasyon. Layunin nitong babaan ang ‘corporate income tax rate’ sa 20% mula 30% para sa mga isang milyong korporasyon sa bansa.
“Nakikiusap ako sa Gabinete na huwag naman ninyong gamitin ang Kamara sa hindi ninyo pagkakasundo at liwanagin muna ninyo sa Pangulo ang mga isyu ninyo. Kayo ngayon ang lumilikha ng mga kalituhan at duda sa mga mamumuhunan, bukod sa nadediskaril pa ninyo ang trabaho ng Kamara,” himutok ni Salceda.
- Latest