^

Bansa

Luzon, Metro Manila niyanig ng lindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Luzon, Metro Manila niyanig ng lindol
Naglabasan ang mga empleyado ng Land Bank of the Philippines sa Roxas Blvd., Maynila matapos ang lindol kahapon.
Russel Palma

MANILA, Philippines – Niyanig ng magkasunod na lindol ang bahagi ng Luzon na naramdaman din sa Metro Manila kahapon ng hapon.

Unang naitala ng Phivolcs ang 5.5 magnitude alas 4:28 ng hapon sa may 040 kilometro hilagang silangan ng Burdeos, Quezon.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Jose Pa­nganiban, Camarines Norte at Quezon City at Intensity 3 sa  Guinaya­ngan, Quezon.

Sinasabing tectonic ang origin ng lindol.

Makaraan nito, nakapagtala din ng 5.1 magnitude na lindol alas 5:18 ng hapon sa hila­gang silangan ng Burdeos, Quezon.

Naramdaman naman ang lakas ng lindol sa intensity 5 sa Polillo, Quezon; Intensity 4 sa Quezon City at Intensity 2 sa Guinayangan, Quezon.

Sa Metro Manila, nagsilikas sa kanilang mga opisina, establisimyento at paaralan ang mga empleyado at estudyante matapos maramdaman din ang pagyanig.

Pansamantala namang sinuspinde ang biyahe ng MRT, LRT-1 at LRT-2 at maging ang Philippine National Railways (PNR).

Ayon kay Phivolcs Usec. Renato Solidum, inaasahan na ang pagkakaroon pa ng aftershocks matapos ang lindol habang wala pang iniulat na pinsala.

LINDOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with