MANILA, Philippines (Updated 6:10 p.m.) — Panibagong pagyanig ang nadama ng publiko matapos maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang magnitude 5.3 na lindol.
Unang ibinalita ng Phivolcs na 5.5 ito ngunit nirebisa rin 'di lumaon.
Ibinaba ng PHIVOLCS sa magnitude 5.3 ang tumamang lindol sa Quezon kaninang hapon. pic.twitter.com/rsvLvbfqRW
— News5 AKSYON (@News5AKSYON) September 13, 2019
Namataan ang epicenter ng lindol 40 kilometro mula sa Burdeos, Quezon kanina 4:28 p.m. ng hapon.
Sinasabing tectonic ang pinagmulan ng earthquake.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V:
- Burdeos at Infanta, Quezon
- Los Baños at Pakil, Laguna
Intensity IV:
- Jose Panganiban, Camarines Norte
- Quezon City
- Marikina City
- Sta. Cruz, Laguna
- Alabat at Gen. Nakar, Quezon
Intensity III:
- Guinayangan, Quezon
- Muntinlupa City
- Manila City
- San Jose Del Monte, Bulacan
- Bacoor, Cavite
- Maddela, Quirino
- San Mateo, Rizal
- Baler, Aurora
- Lucena City
Intensity II:
- Dingalan, Aurora
- Mandaluyong City
- Apalit, Pampanga
- Taguig City
- Lucban, Quezon
Intensity I:
- San Isidro, Nueva Ecija
- Gapan City
- Meycauayan, Bulacan
Sa litratong ito, makikita ang paglikas ng ilang empleyado ng Department of Justice sa Maynila.
Some DOJ employees left the building because of a quake.?@PhilippineStar? pic.twitter.com/cscrLTupkq
— evelynzmacairan (@EZMacairan) September 13, 2019
Narito naman ang eksena sa Far Estern University habang lumalabas ang kanilang mga estudyante patungo sa university open grounds.
WATCH | FEU students evacuate to the university open ground following the earthquake (????@russelbatss) @News5AKSYON @onenewsph pic.twitter.com/Rt3NyEXQzE
— JC Cosico (@JCCosico) September 13, 2019
Balik operasyon na rin ang Manila Metro Rail Transit System Line 3 matapos ang lindol.
Muli itong umandar bago mag-alas-singko y media.
.@dotrmrt3 resumed operations at 5:29p.m. @PhilstarNews pic.twitter.com/QVtDbsFae6
— Rosette Adel (@rosette_adel) September 13, 2019
Naitala na rin ang magnitude 2.4, magnitude 5.1 at magnitude 2.9 na aftershocks matapos ang inisyal na paglindol.
Inabisuhan naman ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office ang lahat ng property custodians at managers na suriin ang structural integrity ng mga gusali bago muling magpapasok ng mga tao.
Inaasahan din ng Phivolcs na magkakaroon ng ilang pinsala mula sa pangyayari. — may mga ulat mula kay Rosette Adel, News5 at The STAR