Sa pamumuno ni Cayetano
MANILA, Philippines – Nakamit ang pinakamataas na attendance ng mga mambabatas noong magbukas ang 18th Congress nitong July 22 hanggang Sept. 10 na umabot sa 247 kongresista para sa kabuuang 18 session days.
Ito ang unang pagkakataon na naitala ang mataas na numero ng dumalo na pruweba ng determinasyon at pagiging makabayan ng mga mambabatas sa pangunguna ni Speaker Alan Peter Cayetano.
Ayon kay House Deputy Speaker Neptali Gonzales II, isang batikan na mambabatas na nahalal na Majority Leader noong 16th Congress, hinahangaan niya ang mga kapwa niya kongresista sa House sa kanilang ipinapakitang dedikasyon sa tungkulin matapos lumabas ang mataas na attendance record.
Saad pa ni Gonzales na sa kabila ng maraming holidays nitong nakaraang buwan, minabuti ng mga halal na mambabatas na dumalo sa Kamara at magtrabaho sa halip na magbakasyon ng mahabang araw na walang pasok.
Patunay nito ang House record na may pinakamataas na attendance na umabot sa 266 attendees sa roll call na ginanap noong August 13, ang araw kung saan ginugunita ng bayan ang Eid al-Adha holiday, at ang 259 attendees noong August 27, ang araw matapos ang selebrasyon ng National Heroes Day.
Binigyang kredito ni Gonzales si Speaker Cayetano sa malakas at maayos na pamamahala nito kung saan nailagay sa ayos ang mga schedule ng House of Representatives at naging mabilis ang pagkamit ng legislative agenda at mga prayoridad.