Amo ng Pinay DH sa freezer guilty, ayon sa Syrian court

Ito ang ipinahayag kahapon ng Department of Foreign Affairs-Office of Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs na nagsabing napatunayan sa korte na nagkasala sa kasong murder ang akusadong si Mouna Ali Hassoun kaugnay ng pagkakapatay sa Pilipinang si Joana Demafelis na ang bangkay ay natagpuan sa loob ng isang freezer sa isang apartment sa Kuwait noong nakaraang taon.
File

MANILA, Philippines — Isa sa mga akusado sa pagpaslang sa isang domestic helper na Pilipina sa Kuwait ang sinentensiyahan ng isang district criminal court sa Syria sa naturang kri­men.

Ito ang ipinahayag kahapon ng Department of Foreign Affairs-Office of Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs na nagsabing napatunayan sa korte na nagkasala sa kasong murder ang akusadong si Mouna Ali Hassoun kaugnay ng pagkakapatay sa Pilipinang si Joana Demafelis na ang bangkay ay natagpuan sa loob ng isang freezer sa isang apartment sa Kuwait noong nakaraang taon.

Nasa kustodya hanggang sa kasalukuyan ng mga awtoridad ng Syria si Hassoun mula pa noong maagang bahagi ng nakaraang taon. Ang asawa naman niyang Lebanese na si Nader Essam Assaf ay nahaharap sa kasong murder sa Lebanon, ayon pa sa DFA.

Umalis mula sa Iloilo si Demafelis para magtungo at magtrabaho bilang domestic helper sa Kuwait noong 2014. Napaulat na nawawala siya mula noong 2016 at ang pagkakatuklas sa kanyang bangkay ay nagbunsod para ipagbawal ang pagpapadala ng mga DH na Pilipina sa naturang bansa.

“Ipagpapatuloy ng DFA ang pagbibigay ng legal assistance sa pamil­ya (ng biktima) hanggang maisilbi ang hustisya,” sabi ng DFA sa isang tweet nito.

Show comments