MANILA, Philippines — Umaabot na sa 130 convicts kabilang ang mga sangkot sa karumaldumal na krimen na napalaya sa maanomalyang Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang sumuko sa iba’t-ibang himpilan ng pulisya sa bansa.
Sa isang pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac na, sa nasabing bilang, nasa 25 sumukong mga convicts ang naipadala na ng PNP sa Bureau of Corrections (BUCOR).