Laguna Lake bilang water source ng Metro Manila, ok sa DENR
MANILA, Philippines — Suportado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paggamit ng Laguna Lake bilang isa sa mga water sources ng Metro Manila bukod sa Angat dam sa Bulacan.
Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, patuloy na lumalaki ang populasyon sa Metro Manila kayat dapat paghandaan ang mas mataas na demand ng tubig.
Ayon naman kay Laguna Lake Development Authority (LLDA) Jaime Medina, ang Laguna Lake ay ginagamit na ng dalawang concessionaires bilang water source.
Sa ngayon, ? 3 percent ng tubig mula sa Laguna Lake ang naisusuplay sa MM sa pamamagitan ng water treatment plant sa Muntinlupa ng Maynilad Water na nagkakaloob ng 300 million liters per day ng tubig at treatment facility ng Manila Water sa Cardona, Cavite na nagkakaloob ng 100 million liters per day ng tubig.
Samantala 90 percent ng tubig sa MM ay mula naman sa Angat dam.
Sinabi ni Medina na kaya pa ng Laguna Lake na magsuplay ng tubig ngunit kailangan dumaan sa dredging at rehabilitasyon dahil ang tubig sa ngayon ay sapat lamang para sa pangingisda.
- Latest