‘Palay ng magsasaka bilhin n’yo’
Digong sa NFA
MANILA, Philippines – Iniutos ni Pangulong Duterte sa National Food Authority (NFA) na bilhin nito ang mga aning palay ng mga magsasaka upang matulungan ang mga ito kazz hit malugi ang gobyerno.
“In a democracy, officials are elected and their duty is to do for the greatest good for the greatest number. You have seen people going wild, others hungry because there is no rice,” wika ng Pangulo.
Ito’y sa gitna ng hinaing ng mga magsasaka na bumagsak sa P7 per kilo ang bilihan ng palay sa kanila ng mga rice traders kung saan ay ikinumpara nilang mas mahal pa ang presyo ng darak na pagkain ng baboy.
Nauna rito, sinisi ni Agriculture Sec. Willam Dar sa mga mapagsamantalang rice traders at hoarders ang biglang pagbagsak ng presyo ng palay.
Ang sinisisi naman ng mga magsasaka mula sa Ilocos at Central Luzon ay ang pagpapatupad ng Rice Tarrification Law (RTL) na naging dahilan upang maapektuhan ang presyo ng palay sa bansa.
Sinabi naman ni Pangulong Duterte, maganda ang intensiyon ng RTL ng ipasa ito bilang batas at tungkulin ng gobyerno na tulungan ang industriya ng pagsasaka sa bansa.
- Latest