MANILA, Philippines – Patuloy ang pagtaas ng water level sa iba’t-ibang dam sa ating bansa partikular sa Angat dam sa Bulacan na nagsusuplay ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila.
Sinasabing ang mga nagdaang bagyo at ibang weather system na nagdala ng ulan sa watershed sa mga dam ang dahilan ng patuloy na pagtaas ng tubig sa mga dam.
Batay sa data ng PagAsa dam monitoring section, kahapon ng alas- 6 ng umaga ay nagtala ang Angat dam ng may 183.45 meters na water level na mas mataas kung ikukumpara sa 183.34 noong Miyerkules.
Ang Ambuklao dam ay nagtala ng 751.63 meters na water level kahapon mas mataas sa 751.53 meters noong Miyerkules samantalang ang Pantabangan dam ay nagtala ng 198.59 meters na water level kahapon ng umaga, mas mataas ito sa 198.29 meters na water level kamakalawa.
Hindi naman nagbago ang water level kahapon at noong Miyekules sa La Mesa dam sa QC na pawang nagtala ng 77.45 meters na water level sa dalawang araw gayundin sa Caliraya dam na nagtala ng parehong antas ng tubig na 287.50 meters na water level kahapon at noong Miyerkules.