Cellphone ban sa oras ng klase giit
MANILA, Philippines – Isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda ang panukalang batas na nagbabawal sa paggamit ng cellphone ng mga estudyante kapag oras ng klase.
Sa House Bill 3404 ni Salceda sinabi niya na, bagaman mayroong magandang dulot ang makabagong teknolohiya, nakakasagabal din umano ito sa pag-aaral ng mga bata.
Base sa 2019 report ng Hootsuite at We Are Social, ang mga Filipino ay umuubos ng 10:02 oras kada araw sa internet gamit ang iba’t ibang device.
Nakasaad sa panukala na maaari lamang umanong gamitin ang cellphone sa panahon ng emergency o kung bahagi ito ng pag-aaral.
- Latest