^

Bansa

Duterte pinagre-resign si Faeldon sa pagpapalaya ng 'heinous convicts'

James Relativo - Philstar.com
Duterte pinagre-resign si Faeldon sa pagpapalaya ng 'heinous convicts'
Samantala, inutusan din ng presidente ang mga heinous crime convicts na napakawalan gamit ang Good Conduct Time Allowance na sumuko.
The STAR/Alexis Romero

MANILA, Philippines — Pormal nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Bureau of Corrections director-general Nicanor Faeldon.

Ito'y kaugnay pa rin mga ulat tungkol sa maagang pagpapalaya sa mga kriminal na na-convict kaugnay ng mga heinous, o karumal-dumal na krimen.

"Inuutos ko ang pagre-resign ni Faeldon, agad-agad," sabi ng presidente ngayong gabi sa Inggles

Aniya, dapat na siyang magbitiw sa pwesto dahil "sinuway" daw niya ang kanyang utos.

Una nang sinabi ng BuCor na 1,914 heinous crime convicts ang napalaya nila simula 2014 matapos bigyan ng good conduct time allowance, sa gitna ng interpretasyon ng Palasyo at Department of Justice sa batas na hindi sila saklaw nito.

Ipinag-utos na rin ni Duterte ang imbestigasyon na ipapaasikaso niya raw sa Ombudsman.

'Sumuko o tratratuhing pugante'

Samantala, inutusan din ng presidente ang mga heinous crime convicts na napakawalan gamit ang GCTA na.sumuko.

"Simula ngayon, fugitive na kayo sa batas. At tratratuhin namin kayong kriminal," sabi pa ni Duterte.

"At alam niyo, pwedeng may mangyaring masama."

Galit na raw si Digong at sinabing gusto na silang patayin, ngunit "walang opurtunidad."

Bibigyan din sila ng 15 araw na kalayaan basta't lumantad kapag ipinatawag para sa imbestigasyon tungklol sa recomputation at katiwalian.

Nanindigan din ang pangulo na walang ginawang masama si presidential spokesperson Salvador Panelo.

Matatandaang inaakusahan si Panelo ng pangingialam matapos maiulat ang posibleng pagpapalaya kay ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez, na nahatulang guilty sa panghahalay at pagpaslang, sa pamamagitan ng GCTA.

Si Panelo ay dating abogado ni Sanchez sa isang 1993 rape-slay case kaugnay ng dalawang estudyante mula sa UP Los Banos. — may mga ulat mula kay Alexis Romero

vuukle comment

GOOD CONDUCT AND TIME ALLOWANCE

NICANOR FAELDON

RESIGN

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with