'Liwayway' bumagal ang takbo; Bagong LPA papasok paglabas ng bagyo

Samantala, lalo namang lumakas ang bagyo at tuluyang naging severe tropical storm kaninang alas-otso ng umaga.
Released/Pagasa

MANILA, Philippines — Habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong "Liwayway," pinaghahanda rin ng agad PAGASA ang publiko sa pagpasok ng panibagong sama ng panahon.

"[I]naasahan natin na paglabas ng PAR ng bagyong si Liwayway, siya namang pagpasok ng PAR ng nasabing low pressure area," ani Jun Galang, senior weather specialist ng PAGASA.

Samantala, lalo namang lumakas ang bagyo at tuluyang naging severe tropical storm kaninang alas-otso ng umaga.

Namataan ang bago 205 kilometro silangan timogsilangan ng Basco, Batanes kaninang alas-diyes ng umaga at may taglay na hanging hanggang 95 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Bubugsu-bugso rin ito hanggang sa 115 kilometro kada oras.

"Makikita natin na 'yung kanyang cloudiness, 'yung malalakas na pag-ulan, concentrated lang dito sa sentro ng bagyong si Liwayway," dagdag ni Galang.

Nakadeklara pa rin ang Signal No. 1 sa Batanes hanggang sa ngayon.

Ngayon hanggang bukas, magdadala ng mahihina hanggang katamtaman na may sunod-sunod na malalakas na pag-ulan ang bagyo sa:

  • Apayao
  • Cagayan (kasama ang Babuyan Islands)
  • Batanes

Kasabay ng paglakas nito ay ang pagbagal naman ng pag-usad nito sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Tinatayang e-exit ng PAR ang bagyong Liwayway bukas ng gabi hanggang Huwebes ng umaga at tinutumbok ang katimugang bahagi ng Japan.

Magdadala naman ang hanging Habagat ng kalat-kalat na mahihina at katamtamang pag-ulan sa:

  • Rehiyon ng Ilocos
  • Central Luzon
  • Metro Manila
  • CALABARZON
  • hilagang bahagai ng Palawan (kasama ang Calamian Islands)
  • mga probinsya ng Mindoro
  • nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region

Pinagbabawalan naman ang paglalayag sa baybayin ng:

  • Batanes
  • Calayan
  • Babuyan
  • Cagayan
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Aurora
  • Zambales
  • Bataan
  • mga probinsya ng Camarines
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Quezon (kasama ang Polilio Island)
  • Cavite
  • Batangas
  • mga probinsya ng Mindoro
  • Palawan
  • Marinduque
  • Romblon
  • Masbate
  • Burias at Ticao Islands 

Show comments