10K na guro at 5,000 staff hanap ng DepEd

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, layunin nilang mapaghusay pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng improvement ng “teacher-to-student ratio” at workload ng kanilang mga personnel dahil sa patuloy na paglobo ng enrolment levels sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
File

MANILA, Philippines — Naghahanap nga­yon ng 10,000 bagong guro at 5,000 office staff ang pamunuan ng Department of Education (DepEd). 

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, layunin nilang mapaghusay pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng improvement ng “teacher-to-student ratio” at workload ng kanilang mga personnel dahil sa patuloy na paglobo ng enrolment levels sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Para tus­tusan ang pagha­hanap ng dagdag na guro at personnel ay naglaan ang DepEd ng P1.28 billion para sa hinahanap na 5,000 non-teaching positions at P1.27 billion sa hiring ng 10,000 guro.

Sinabi pa ng kalihim na ang pondo ay kukunin sa kanilang 2020 proposed budget na P8.99 bilyon.

Show comments