MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na special working holiday sa buong bansa ang araw na ito (September 3) bilang paggunita sa pagsuko ng Japanese soldiers sa pangunguna ni General Tomoyuki Yamashita sa pagtatapos ng World War ll.
Nakasaad sa Republic Act No. 11216 na nilagdaan ng Pangulo noong Pebrero 14 ang paggunita sa pagsuko ng Japanese soldiers noong 1945 sa Baguio City.
Ang pagsuko ni Gen. Yamashita at buong Japanese imperial army ay senyales din ng pagtatapos ng World War ll sa Pacific.
Noong sumunod na taon ay binigti sa Los Baños, Laguna si Yamashita.