Revamp sa BuCor!

Ayon kay Sotto, ang kalapastanganan ng BuCor sa hustisya ay dapat batikusin.
FIle

MANILA, Philippines — “I-revamp ang buong Bureau of Corrrection (BuCor) at palitan ang mga opisyal.”

Ito ang iginiit ni Se­nate President Vicente Sotto III kay Pangulong Duterte sa gitna ng ulat na maraming mga drug lords ang napakawalan dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ayon kay Sotto, ang kalapastanganan ng BuCor sa hustisya ay dapat batikusin.

“PRRD must revamp the entire BuCor officialdom. Their travesty of justice is condemnable,” sabi ni Sotto.

Sa isang tweet ni Sotto, hindi nito binanggit ang pangalan ni BuCor Director Nicanor Faeldon pero halatang ito ang pinatatamaan niya.

“Bakit lahat ng ma­lipatan nitong official na ito may iskandalo? San kaya siya sunod ililipat?,” tanong ni Sotto.

Ayon naman kay da­ting senator JV Ejercito, nakausap niya sa isang okasyon si Sen. Panfilo Lacson at kinumpirma nito na kabilang sa mga napalaya na dahil sa GCTA ay mga drug lords, rapists at mga miyembro ng kidnap for ransom groups.

Nauna nang ibinunyag ni Lacson na limang Chinese drug lords ang pinalaya ni Faeldon.

Matatandaan na na­ging kontrobersiyal ang GCTA matapos lu­mutang ang pangalan ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez na posibleng makinabang sa batas.

Kinumpirma ni Lacson na hawak niya ang release order na pirmado ni Faeldon kung saan makakalaya sana si Sanchez dahil sa GCTA pero hindi ito natuloy matapos pumutok sa media at batikusin ng publiko.

Show comments