World-class INC Museum pinasinayaan

Si Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama si Marikina Rep. Bayani Fernando habang minamasdan ang mga tampok na exhibits sa INC Museum na pormal na binuksan kahapon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isang world-class museum patungkol sa kasaysayan at cultural heritage ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang pormal na binuksan kahapon sa lungsod Quezon

Ang pagpapasinaya ay dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan sa nasyunal at lokal sa pangunguna ni Se­nate President Vicente Sotto III at QC Mayor Joy Belmonte.

Matatagpuan ang mu­seum sa Central Avenue malapit sa INC Central Temple. Ito ay pinamamahalaan ng Felix Y. Manalo Foundation, ang socio-cultural at environmental arm ng INC.

Layunin nito na ma­bigyan ng impormasyon hindi lamang ang mga miyembro kundi maging ang hindi kaanib patungkol sa kasaysayan at kung paano nagsimula hanggang sa lumago ang INC sa pamamagitan ng arts at visual presentation.

Kabilang sa makikita sa gusali ang isang children museum at timeline, historical at thematic exhibits at mga mementos ni INC Founder Felix Manalo at ng kanyang mga successor na sina Eraño at Eduardo  Manalo.

Bukas ang INC Museum mula Martes hanggang Linggo, alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Ang tiket ay nagkakahalaga ng P350 para sa full tour, kabilang ang access sa lahat ng exhibits at P150 sa limited access sa children museum.

Ayon kay Belmonte na isang anthropologist, ang museum ay isang kayamanan na dapat ipreserba at itaguyod ng lunsod.

Show comments