^

Bansa

Retired Army gen. itinalaga sa BuCor

Tina Mendez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang deputy director ng Bureau of Corrections ang isang retiradong heneral ng Philippine Army sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng BuCor kaugnay ng pagpapalaya ng maraming heinous crime convict dahil sa umano’y good conduct.

Batay sa listahan ng bagong presidential appointee mula Agosto 20-29 na ipinalabas ng Office of the President, itinalaga ni Duterte si Armed Forces Deputy Commander ng Northern Luzon Command Gen. Wilfredo Melegrito sa bago nitong puwesto noong Agosto 27.

Ginawa ng Pangulo ang appointment bago siya pumunta sa China.

Ang hakbang ng Pangulo ay ipinalalagay na  posibleng pahiwatig sa napipintong pagbalasa sa BuCor na kasalukuyang pinamumunuan ni dating Marine Captain at dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Si Melegrito ay miyembro ng Philippine Military Academy Si­nagtala Class of 1986 na kabilang sa mistah o kaeskuwela ni dating PNP chief at ngayo’y Sen. Ronaldo “Bato” dela Rosa at incumbent PNP Chief Gen. Oscar Albayalde.

RETIRED ARMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with