Mandatory feeding program isinulong

Ipinaliwanag ni Romero na mahalagang paraan ang food feeding program para mapaunlad ang good grooming at proper hygiene sa mga estud­yante at magulang at ma­panatili ang kanilang progreso sa panahon ng school feeding session.
Philstar.com

MANILA, Philippines — Isinampa kamakailan ni House Deputy Spea­ker at 1Pacman party­list Rep. Mikee Romero ang panukalang-batas na nagsusulong sa pagpapatuloy at integridad ng food feeding program sa mga batang mag-aaral sa buong bansa.

Ipinaliwanag ni Romero na mahalagang paraan ang food feeding program para mapaunlad ang good grooming at proper hygiene sa mga estud­yante at magulang at ma­panatili ang kanilang progreso sa panahon ng school feeding session.

Layunin ng House Bill 197 na lumikha ng patuloy at mandatoryong feeding program para sa school children sa pamamagitan ng paglalaan ng tatlong porsiyento ng internal revenue allotment (IRA) para sa bawat lunsod at bayan.

Sa ilalim ng panukala, ang mandatory feeding program para sa school children ay paglalaanan ng P18 minimum budget per meal. Ang pamahalaang lokal ang magtatakda ng lugar ng feeding program at sa pakiki­pagtulungan ng Department of Social Welfare and Development at ng Department of Education ay tutukuyin ang mga estudyanteng sasaklawin ng programa.

Ayon pa kay Romero, ang DSWD at DepEd ang  maglalatag ng kinakaila­ngang mga patakaran at regulasyon para sa epek­tibong pagpapatupad ng panukalang-batas sakaling maaprubahan ito.

Show comments