MANILA, Philippines – Mahigpit nang ipinagbabawal ang manigarilyo sa lahat ng empleyado at bisita ng Malacañang.
Ipinatupad sa buong Malacañang complex ang ‘no smoking ban’ matapos maglabas ng memorandum ang Office of the Executive Secretary.
Nakasaad sa memo na walang itinalagang smoking areas sa buong Malacañang complex kaya mahigpit na ipinagbabawal na ang manigarilyo.
Una nang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order 26 noong May 16, 2017 para sa smoke-free environment sa mga public at enclosed places bukod sa Tobacco Regulation Act of 2003 para sa nationwide ban ng smoking sa lahat ng public places.