^

Bansa

Barko nagliyab sa dagat, 3 patay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Barko nagliyab sa dagat, 3 patay
Sa naunang impormasyon, biglang nag­liyab ang MV Lite Ferry 16, isang roll-on-roll-off (Ro-Ro) vessel na malapit na sana sa daungan ng Dapitan City.
File

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang kumpirmadong patay nang masunog ang pampasaherong barko habang nasa laot sa  Zamboanga del Norte, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Commander Armand Balilo ang mga nasawi na sina Chloe Labisig, isang taon at anim na buwang toddler; Danilo Gomez Sr., 60 at isa pang pasahero.

Umaabot naman sa mahigit 200 pasahero ang nailig­tas at marami pa ang missing sa natu­rang trahedya.

Sa naunang impormasyon, biglang nag­liyab ang MV Lite Ferry 16, isang roll-on-roll-off (Ro-Ro) vessel na malapit na sana sa daungan ng Dapitan City.

Dahil sa laki ng apoy ay nagtalunan ang ilang mga pasahero sa barko habang ito ay nasusunog dahil sa nerbiyos at labis na panic.

Dakong alas-11:00 umano ng gabi nang mangyari ang sunog at himbing na himbing na ang lahat sa pagtulog. Nagising na lamang ang mga pasahero sa alarma ng barko na nasusunog na ang bahagi nito.

Ang barko ay umalis dakong alas-6:00 kamakalawa ng gabi mula sa Samboan, Cebu City at patungo ng Dapitan City.

Sinasabing nagsi­mula ang apoy sa engine room.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang rescue operation sa mga pasaherong tumalon sa barko at kasalukuyan pang nawawala.

Sa report mula sa PCG, nasa 137 lahat ang sakay ng barko at 109 dito ay mga adults, 24 ang mga bata at apat naman ang mga infants.

Ayon naman kay Lt. Junior Grade Cherry Rose Manaay, chief ng PCG sa Dapitan City, ang nasabing barko ay overloaded dahil nasa 245 ang lulan nito ga­yong 137 lamang ang kapasidad ng barko. Joy Cantos, Rhoderick Beñez

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with