MANILA, Philippines – Hinamon ni Sen. Manny Pacquiao ang lahat ng mga mayayaman sa bansa na magkusang loob sila at mag-ambag-ambag upang tulungan ang lahat ng mga mahihirap.
“I’m praying to God na lahat ng mga mayayaman, lahat ng mga may pera ambag-ambag tayo kusang kawanggawa tayo. Tulungan natin yong mga mahihirap bigay tayo kung ano yong mga tulong na magawa natin. Yong pera natin hindi yan natin madala sa libingan. We will depart alone,” sabi ni Pacquiao sa interpelasyon niya sa talumpati ni Sen. Bong Go tungkol sa mga bumabatikos sa mga itinatayong Malasakit Centers.
Ayon pa kay Pacquiao, hindi siya maramot na tao na nagtatago ng kayamanan dahil hindi rin niya madadala ang kanyang pera kapag namatay na siya.
“Hindi ako greedy person na itatago ko yong yaman ko. Pag namatay ako hindi ko madadala yan. We came to this world naked, and we will depart alone and naked. Wala tayong madadala. Iiwanan nating lahat yan,” ani Pacquiao.
Idinagdag pa nito na sayang lamang ang pera kung nakatago sa bahay o sa bangko sa halip na itulong sa kapwa.