^

Bansa

Pacquiao hinamon ang lahat ng mayayaman

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao hinamon ang lahat ng mayayaman
“I’m praying to God na lahat ng mga mayayaman, lahat ng mga may pera ambag-ambag tayo kusang kawanggawa tayo. Tulungan natin yong mga mahihirap bigay tayo kung ano yong mga tulong na magawa natin. Yong pera natin hindi yan natin madala sa libingan. We will depart alone,” sabi ni Pacquiao sa interpelasyon niya sa talumpati ni Sen. Bong Go tungkol sa mga bumabatikos sa mga itinatayong Malasakit Centers.
File

MANILA, Philippines – Hinamon ni Sen. Manny Pacquiao ang lahat ng mga mayayaman sa bansa na magkusang loob sila at mag-ambag-ambag upang tulungan ang lahat ng mga mahihirap.

“I’m praying to God na lahat ng mga mayayaman, lahat ng mga may pera ambag-ambag tayo kusang kawanggawa tayo. Tulungan natin yong mga mahihirap bigay tayo kung ano yong mga tulong na magawa natin. Yong pera natin hindi yan natin madala sa libingan. We will depart alone,” sabi ni Pacquiao sa interpelasyon niya sa talumpati ni Sen. Bong Go tungkol sa mga bumabatikos sa mga itinatayong Malasakit Centers.

Ayon pa kay Pacquiao, hindi siya maramot na tao na nagtatago ng kayamanan dahil hindi rin niya  madadala ang kanyang pera kapag namatay na siya.

“Hindi ako greedy person na itatago ko yong yaman ko. Pag namatay ako hindi ko madadala yan. We came to this world naked, and we will depart alone and naked.  Wala tayong madadala. Iiwanan nating lahat yan,” ani Pacquiao.

Idinagdag pa nito na sayang lamang ang pera kung nakatago sa bahay o sa bangko sa halip na itulong sa kapwa.

 

PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with