^

Bansa

DepEd pabor sa panukalang pagbabawal ng 'homework' tuwing Sabado, Linggo

James Relativo - Philstar.com
DepEd pabor sa panukalang pagbabawal ng 'homework' tuwing Sabado, Linggo
"Ang gusto natin, lahat ng pormal na pag-aaral, assignment, project, whatever, gagawin sa loob ng eskwelahan," sabi ni Leonor Briones, kalihim ng Edukasyon sa isang panayam sa radyo Martes.
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Department of Education ang suwestyong pigilin ang pagbibigay ng mga takdang-aralin sa mga estudyante mula pre-school hanggang sekundarya.

"Ang gusto natin, lahat ng pormal na pag-aaral, assignment, project, whatever, gagawin sa loob ng eskwelahan," sabi ni Leonor Briones, kalihim ng Edukasyon sa isang panayam sa radyo Martes.

Ito'y kaugnay ng inihaing House Bill 3883 ni Quezon Rep. Alfred Vargas at HB 3611 ni House Deputy Speaker Evelina Escudero.

Sa bill ni Vargas, pagbabawalan ito mula elementarya hanggang hayskul habang pagbabawalan naman ng bill ni Escudero ito mula kindergarten hanggang ika-12 na baitang.

Kaiba sa panukala ni Escudero, nais patawan ni Vargas ng P50,000 multa at isa hanggang dalawang taong pagkakakulong ang mga teacher na lalabag dito.

Layunin daw nitong madagdagan ang oras ng pahinga at pakikipag-usap sa magulang ng mga bata at tuwing weekends.

"Pag-uwi nila, libre na sila, free time nila to be with their parents, with their friends," paliwanag ni Briones.

Maliban sa dagdag na work load habang walang pasok, pagbabawalan din ng HB 3611 ni Escudero ang pagpapauwi ng mga aklat sa batang kinder hanggang ika-6 baitang.

Saklaw nito ang parehong pampubliko at pribadong mga paaralan. — may mga ulat mula kay Gemma Garcia at The STAR 

DEPARTMENT OF EDUCATION

HOMEWORK

LEONOR BRIONES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with