Assignment tuwing weekend ipagbabawal

Sa House Bill 3611 ni Escudero, magkakaroon ng no-homework policy ang Department of Education mula kinder hanggang high school.
File

MANILA, Philippines — Maaaring ipagbawal na ang pagbibigay ng mga assignment sa mga estudyante tuwing weekend.

Ito ay sa sandaling maisabatas na ang mga panukalang inihain nina House Deputy Speaker Evelina Escudero at Quezon Rep. Alfred Vargas.

Sa House Bill 3611 ni Escudero, magkakaroon ng no-homework policy ang Department of Education mula kinder hanggang high school.

Ito ay dahil nababawasan umano ang oras nang pagpapahinga at pag-uusap ng mga estudyante at mga magulang tuwing weekends.

Bawal ding iuwi ng estudyante ang kanyang mga libro sa bahay kaya magiging magaan na ang dala nilang school bag.

Habang sa House bill 3883 ni Vargas, ipagbabawal lamang ang pagbibigay ng homework kapag weekend.

Papatawan ng P50,000 multa at isa hanggang dalawang taong kulong ang mga guro na magbibigay ng assignment kapag weekend.

Layon nito na masiyahan ang mga estudyante sa kanilang libreng oras tuwing weekend at kalidad na oras para sa kanilang mga pamilya.

Show comments