Ilang lugar sa Metro Manila, probinsiya mawawalan ng kuryente

Sa advisory ng Meralco, ang mga pagkukumpuni ay isasagawa mula ngayong Lunes, Agosto 26, hanggang sa Linggo, Setyembre 1.
Ernie Peñaredond

MANILA, Philippines — Pansamantalang mawawalan ng suplay ng kur­yente ang ilang lugar sa Metro Manila at ilang karatig na lalawigan ngayong linggo bunsod ng maintenance works na isinasagawa ng Manila Electric Company (Meralco).

Sa advisory ng Meralco, ang mga pagkukumpuni ay isasagawa mula ngayong Lunes, Agosto 26, hanggang sa Linggo, Setyembre 1.

Kabilang sa apektado ay ilang lugar sa mga lungsod ng Caloocan, Makati, Mandaluyong, Manila, Pasay, Marikina, Pasig at Quezon, gayundin ang ilang lugar sa mga lalawigan ng Bulacan, Laguna, Rizal at Quezon.

Ilan sa mga aktibidad na isasagawa ay paglalagay ng mga bagong pasilidad, line reconductoring works, preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco substations, paglilipat ng mga pasilidad, pagpapalit at paglilipat ng mga poste, at conversion ng mga pasilidad.

Show comments