Dagdag excise tax sa sigarilyo aprub
MANILA, Philippines — Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang magtataas sa excise tax rates ng tobacco sa bansa.
Magkakaroon ng P45 na pagtaas ng buwis sa kada pakete ng sigarilyo pagsapit ng January 1, 2020 at tataas ito ng limang piso bawat taon hanggang 2023. Mula 2024 ay itataas ito ng limang porsyento kada taon.
Bukod sa sigarilyo, papatawan na rin ng buwis ang vape o e-cigarettes products.
Simula January 1, 2020 ang 10ml na individual cartridge, refill, pod o container ng vapor products ay papatawan ng P10 na buwis. Kung lalagpas sa 50ml ay papatawan ng P50 buwis at karagdagan pang P10 kada additional 10ml.
- Latest