Community service sa minor offenses pirmado ni Digong
MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas na RA 1132 na magpapataw na lamang ng community service sa halip na kulong para sa arresto menor at arresto mayor.
Sa kasalukuyan, ang arresto mayor ay may parusang 1 buwan at isang araw hanggang 6 na buwang kulong habang ang arresto menor ay may parusang kulong na isang araw hanggang 30 araw.
Kabilang ang kasong libelo sa mga may kaparusahang arresto mayor.
Isisilbi ng defendant ang community service kung saan nito ginawa ang krimen habang may bantay itong probation officer.
Ang korte ang magtatakda kung gaano katagal ang dapat nitong isilbing community service depende sa bigat ng pagkakasala nito at kapag lumabag sa mga kondisyon ng korte ay muli siyang ipapaaresto at ikukulong. Isang beses lamang magagamit ang pribilehiyong ito ng isang defendant sakaling umulit siyang gawin ang krimen.
- Latest