^

Bansa

Bibliya, aral ng Diyos gagamitin sa internal cleansing ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bibliya, aral ng Diyos gagamitin sa internal cleansing ng PNP
Una nang sinabi ni PNP Chief General Oscar Albayalde na ang mga pulis na maaari pang mabago ay bahagya lamang ang pagkakasala at hindi naman ito mabigat na kasalanan tulad ng mga kasong kriminal.

MANILA, Philippines — Bibliya at mga aral ng Diyos ay magiging kabahagi rin sa reformative program upang mapanumbalik ang disiplina sa mga scalawags na pulis na maaari pang magbago bilang bahagi ng internal cleansing na ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP).

Una nang sinabi ni PNP Chief General Oscar Albayalde na ang mga pulis na maaari pang mabago ay bahagya lamang ang pagkakasala at hindi naman ito mabigat na kasalanan tulad ng mga kasong kriminal.

Kabilang sa mga minor offense ay nahuling tulog habang naka-duty, tatamad-tamad sa serbisyo, madalas na pagliban sa trabaho at iba pa.

Sinabi ni PNP Chaplain Service Officer-in-Charge Col. Lucio Rosaroso Jr. na nagsagawa na ito ng values formation at spiritual enhancement seminar bilang bahagi ng 30 araw na pagsasanay ng 43 pulis na unang sumalang sa PNP Training Service facility sa Subic, Zambales noong Agosto 8.

Aabot sa mahigit 5,000 pulis na nakagawa ng mga bahagyang pagkakasala na maaari pang mabago ang isasalang ng batch by batch sa re-training program ng PNP.

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with