^

Bansa

30 days paternity leave isinulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
30 days paternity leave isinulong
Sa House Bill 512 ng Makabayan Bloc, pinaa­amyendahan nito ang Republic Act 8187 o Paternity Leave Act of 1996 na may 7 araw lamang na paid paternity leave.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines  , Philippines  —  Isinusulong sa Kamara ang pagbibigay ng mas mahabang paternity leave para sa mga tatay.

Sa House Bill 512  ng Makabayan Bloc, pinaa­amyendahan nito ang Republic Act 8187 o Paternity Leave Act of 1996 na may 7 araw lamang na paid paternity leave.

Sa ilalim ng panukala ay bibigyan ng 30 araw na paid paternity leave ang mga tatay sa pribado at pampublikong sektor at kahit ano pa man ang kanilang employment status.

Layon din nito na mabigyan ng mas mahabang panahon ang mga ama na maalagaan ang mga bagong panganak na asawa at mga sanggol.

Nakasaad ang kahalagahan ng suporta ng lalaki sa kanyang asawa at sa pagkakaroon ng “vital bond” ng tatay sa bagong silang na sanggol.

Pinapayagan naman sa ilalim ng panukala na mabigyan ng paternity leave ang mga amang hindi pa kasal sa kanilang asawa tulad ng live-in o common-law relationships.

PATERNITY LEAVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with