MANILA, Philippines — Iginiit ng China na hindi nila kinikilala ang UN arbitral victory ng Pilipinas sa South China Sea.
Ito ang sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kasunod ng pahayag ni Pangulong Duterte na idudulog niya ang ukol sa arbitral ruling kay Chinese President Xi Jinping sa kanyang pagtungo sa China ngayong buwan.
Sinabi ni Jinhua na hindi magbabago ang kanilang posisyon ukol sa arbitral ruling.
“Our position has been clearly stated at the very beginning of the filing of the arbitration. And when the result of the arbitration [came out]... we also expressed that we will not accept it and we will not recognize it. And that position has not changed, and will not be changed,” wika ni Zhao matapos mag-donate ng P10M sa mga biktima ng lindol sa Batanes.
Sa kabila nito, naniniwala si Zhao na mananatili pa rin naman ang pagkakaibigan ng dalawang bansa sa kabila ng desisyon ni Duterte na itulak ang panalo.
Naniniwala rin siya na hindi magiging “confrontational” si Duterte kapag idinulog na niya ang isyu sa arbitral ruling kay President Xi.
“I don’t recall that he said, that he used the term ‘invoke’. He said, if I remember it correctly, he will not mention it in a non-confrontational and friendly manner,” saad ni Zhao.