^

Bansa

400 lugar binaha kay Hanna, habagat

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
400 lugar binaha kay Hanna, habagat
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, kabilang sa mga pinaka-apektadong mga lugar ay ang Region 1, 3, MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) kung saan aabot sa 17,000 pamilya o katumbas na mahigit 69,000 mga indibidwal ang naapektuhan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Umaabot sa 400 lugar ang binaha dahil sa malalakas na mga pag-ulan dulot ng bagyong Hanna at habagat.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, kabilang sa mga pinaka-apektadong mga lugar ay ang Region 1, 3, MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) kung saan aabot sa 17,000 pamilya o katumbas na mahigit 69,000 mga indibidwal ang naapektuhan.

Sinabi ni Jalad na karamihan sa mga naapektuhang pamilya ay nagsilikas na sa mga matataas na lugar.

Mahigit 100 pamilya o kabuuang 400  indibidwal ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.

Bukod sa mga pagbaha ay nakapagtala rin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 20 insidente ng landslide.

Patuloy naman silang nakaalerto dahil nagdu­dulot pa rin ng mga pag-ulan ang habagat bagaman umalis na sa Philippine Area of Res­ponsibility (PAR) ang bagyong Hanna.

BAGYONG HANNA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND COUNCIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with