Digong igigiit na kay Xi ang arbitral ruling

“President Duterte thinks the time has come to bring up the Tribunal win with China,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.
AFP

MANILA, Philippines — Siniguro kahapon ng Malacañang na igigiit na ni Pangulong Duterte ang United Nations arbitral ruling sa one-on-one talks nito kay Chinese President Xi Jinping sa pagbisita nito sa buwang ito.

“President Duterte thinks the time has come to bring up the Tribunal win with China,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo. 

Umaasa din anya ang Pangulo na ma­reresolba ang isyu sa Recto bank upang ma­laman kung sino ang naging responsable sa lumubog na fishing boat lulan ang 22 Pinoy at ano ang compensation na maibibigay sa mga Pinoy na mangingisda.

Sabi pa ni Panelo, kasama rin sa magi­ging agenda ng Pangulo sa pakikipagpulong nito kay Xi ang 60-40 agreement sa oil exploration sa pagitan ng Pilipinas at China sa Reed bank.

Ito ang ikalimang pagbisita ni Duterte sa China mula ng maupo ito bilang chief executive noong 2016.

Sa mga naunang pagbisita ng Pangulo sa China at pakikipag-usap kay Xi ay hindi nito binubuksan ang isyu ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN tribunal ukol sa teritoryo sa West Philippine Sea dahil hindi daw ito ang tamang panahon at darating daw ang tamang oras upang buksan niya ang isyung ito.

Show comments