Bagyong Hanna bahagyang lumakas

Alas-11:00 ng umaga kahapon, si Hanna ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Sevices Administration sa layong 875 kilometro ng silangan ng Tugue­garao City, Cagayan na kumikilos pa hilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Mchael Varcas

MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang bagyong Hanna habang kumikilos pahi­laga-hilagang kanluran ng bansa.

Alas-11:00 ng umaga kahapon, si Hanna ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Sevices Administration sa layong 875 kilometro ng silangan ng Tugue­garao City, Cagayan na kumikilos pa hilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Taglay ni Hanna ang lakas ng hangin na umaabot sa 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 105 kilometro bawat oras.

Kahapon at ngayong Martes ay katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan sa hilagang bahagi ng  Palawan (kasama na ang Calamian at Cuyo Islands), Mindoro Provinces, Romblon, at Western Visayas dahil sa habagat.

Maulap na kalangitan na may kalat kalat na pag ulan ang mararanasan sa buong Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region at nalalabing bahagi ng MIMAROPA at Visayas.

Tinaya ng PAGASA na hindi bubuhos ang bagyong si Hanna sa alinmang bahagi ng ating bansa at  lalabas sa  ating bansa sa Sabado ng umaga.

Show comments