MANILA, Philippines — Tumaas ang water level sa iba’t-ibang dam sa bansa bunga ng naranasang mga pag-uulan kahapon dulot ng habagat at low pressure area (LPA)
Sa tala ng dam monitoring division ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Servies Administration, nagkaroon ng pagtaas ang water level sa Angat dam kahapong alas-6:00 ng umaga na umabot sa 167.17 meters ng water level mula sa 166.02 meters noong Biyernes.
Bukod sa Angat, tumaas din ang water level sa Ipo dam, La Mesa dam, Ambuklao dam, Binga dam, San Roque dam, at Pantabangan dam.
Tanging ang Magat dam at Caliraya dam ang patuloy ang pagbabawas ng water level dahil hindi nakakaranas ng pag-ulan sa watershed doon.
Gayunman, patuloy ang monitoring ng PagAsa sa mga dam na patuloy ang pagtaas ng tubig dahil sa mga pag-ulan upang maabisuhan ang mga karatig komunidad para maging handa at maiwasan ang epekto nito sa kanilang pamumuhay.