Sasabak vs kriminal, terorista
MANILA, Philippines — Handang armasan ni Pangulong Duterte ang mga bumbero para tumulong sa PNP at AFP sa pagtugis sa mga kriminal at terorista sa bansa.
Sinabi ng Pangulo sa anibersaryo ng Bureau of Fire Protection na bibigyan niya ng sidearm ang bawat bumbero kung saan matapos patayin ang sunog ay mga kriminal at terorista naman ang kanilang patayin.
Pinaalalahan din ng Pangulo ang mga bumbero na maging maingat upang hindi sila maagawan ng baril ng mga sparrow ng NPA.
“Kailangan itago mo. The best caliber actually para sa akin, which I carry, is itong Glock 19. Maliit lang ‘yan. Parang commander series. Maliit. Matago ninyo. Matago ninyo dito sa… ‘Yung mga NPA magtago, walang grip, dito sa ano nila. So bantay kayo kasi baka pag-report ni Secretary niyo sa akin, “Sir, almost half ng bumbero ko naagaw na ang baril, patay na lahat. You know, you have to help in the law and order. You are not limited to just fire. That’s a b******* idea. You have to go around and help the policeman and the military. Isang senyas lang naman kayo magkaalaman na kayo eh,” giit ng Pangulo.
Aniya, sobra na ang karahasan at patayan sa Negros na gawa ng NPA kaya dapat tumulong na ang mga bumbero sa pulisya upang mapanatili ang kaayusan doon.
“Hindi pwede ‘yan… You know… Negros. Naubos na ‘yung bagong --- bagong elected. Tingnan ninyo sa record. Ang pinakamaraming namatay sa atin, barangay captain. ‘Pag nandoon ka sa kabila, patay ka. And you know, they do not have the Army, they do not have the Armed Forces na nasa likuran nila pirmi. Tayo naman because of the vastness, we cannot cover every inch of the way,” dagdag ng Pangulo.