^

Bansa

Housing project sa mga taga Payatas tuloy na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May pagkakataon na ang mga taga Payatas na magkaroon ng sariling lupa sa Quezon City.

Ito ay makaraang katigan ng National Housing Authority (NHA) na gamitin ang gov’t local housing fund ng Kongreso para sa mga maralitang taga lunsod.

Personal na iniabot ni House Asst. Majority Floor Leader Precious Hipolito Castelo at QC Councilor at housing and subdivision committe Chair Winston Castelo ang housing fund na P300,000 sa mga residente ng 6 na Homeowners Association ng Payatas B.

Ang pondo ay para panggastos sa pag-survey ng lupa na kinatatayuan ng kanilang bahay na isang requirement para maayos ang papeles at maipa­ngalan na sa kanila ang lupain.

Sinabi ni Councilor Castelo na mahalagang araw ang August 2 sa kanya dahil noong August 2, 1995 ay nabaril siya nang mamagitan sa isang demolisyon sa Pasong Tamo para ipagtanggol ang mga taga roon na gigibain ang tahanan. 

Anya, dahil binigyan siya ng panibagong buhay ng Panginoon namanata na siya na tuwing August 2 ay bibigyan ng ayudang palupa ang maralitang taga lunsod.

PAYATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with