BOC exec kinasuhan sa Ombudsman
MANILA, Philippines — Kinasuhan ng graft sa Ombudsman si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Guerrero at iba pang opisyal dito dahil sa umanong illegal na pagtatalaga ng empleyado sa kagawaran.
Sa complaint affidavit na inihain ng isang Joana Marie Gonzales, inakusahan niya si Guerrero at Deputy Commissioner Raniel Ramiro nang ipuwesto si BOC Risk Management Office (RMO) Chief George Patrick Avila noong February 2019 kahit walang official documents o appointment.
Ang tatlo ay inireklamo ni Gonzales ng kasong graft at grave misconduct habang si Avila ay karagdagang kaso naman na paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code o usurpation of Authority.
Nabatid na hindi pa natatanggap ni Guerrero at Romero ang opisyal na kopya ng reklamo. Samantala, hiniling din ni Gonzales sa Ombudsman na isailalim sa preventive suspension ang nasabing mga opisyal.
- Latest