Diplomatic protest vs China inihain
MANILA, Philippines — Naghain na ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China kaugnay sa ginawang pagdaan ng mga Chinese warships sa Sibutu Strait ng walang abiso mula sa gobyerno.
“Diplomatic protest fired off,” pahayag ni Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin Jr. sa kanyang Twitter post.
Bukod sa pagdaan ng mga Chinese warships sa Sibutu Strait na malapit sa Tawi-Tawi ng walang clearance, ipinoprotesta rin ang pagdagsa ng nasa 113 Chinese vessels malapit sa Pag-asa Island.
Si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang nagrekomenda kay Locsin sa paghahain ng diplomatic protest.
Sinabi ni Locsin na sinunod niya ang rekomendasyon ni Esperon dahil ulat mula sa militar lang umano ang kanyang pagbabasehan para sa aksyon.
Sinabi rin ni Locsin na wala siyang tiwala kung sa sibilyan nanggagaling ang impormasyon lalo na tungkol sa national security.
“I did. I listen only to military intelligence; I distrust civilian sources of “misinformation.” When it comes to national security, I am the thinking trigger; the finger is the Commander-in-Chief and the Armed Forces which are the protector of people & state,” pahayag ni Locsin sa Twitter.
Nauna rito, sinabi ni Esperon na nagpadala siya ng note verbale kay Locsin para isumite sa China at iprotesta ang pagdagsa ng Chinese vessels sa Pag-asa Island noong Hulyo 24.
Kung maaalala, naghain din ng diplomatic protest ang pamahalaan kamakailan dahil naman sa insidente ng pagbangga umano ng isang Chinese fishing vessel sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank.
- Latest