P250-M nalugi sa lotto shutdown
MANILA, Philippines — Nasa P250 milyong revenue ang nawala sa kaban ng bansa sa apat na araw na tigil operasyon ng lotto.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, mahigit sa P60-milyon ang pumapasok na lotto revenue araw-araw.
“We lost P250 million Lotto revenue since our operations were stopped. That figure is only Lotto, the other games are not included,” sabi ni Garma.
Nagpapasalamat si Garma dahil inalis na ni Pangulong Duterte ang suspension ng lotto draw matapos niyang hingin ito dahil wala namang corruption sa lotto.
Simula kagabi ay nagkaroon na ng draw sa Lotto 6/42; Mega Lotto 6/45; Super Lotto 6/49; Grand Lotto 6/55; Ultra Lotto 6/ 58; 6-Digit Game; 4-Digit Game; Suertres Lotto; and EZ2 Lotto.
- Latest