Libreng dialysis sa mahihirap na pasyente itinulak sa Kamara
MANILA, Philippines — Maaari nang makalibre sa dialysis treatment o renal replacement therapy sa mga ospital ng gobyerno ang mahihirap na pasyente.
Sa House Bill 187 o Comprehensive Renal Replacement Therapy Act, ipinasasakop na rin sa treatment services ng PhilHealth ang renal replacement therapy kasama ang evaluation at screening ng kidney donors, recipients hanggang sa transplant procedure at pagkatapos ng operasyon o ang recovery at rehabilitation.
Ang professional fees ng doktor at iba pang singilin sa ospital ay isasasama sa coverage ng PhilHealth.
Habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tutukoy ng indigent patients na makikinabang sa libreng procedures.
Sa ngayon, umaabot ng P25,000-P46,000 kada buwan ang gastusin sa kada dialysis treatment.
- Latest