Pagpurga sa mga pupil sa Surigao, pinahinto

Kasunod ito ng ulat ng pagkasawi ng isang estudyante at pagkakaospital ng 7 iba pa sa San Isidro Elementary School matapos painumin ng pampurga noong Hulyo 23.

MANILA, Philippines — Pansamantalang ipinahinto ng Department of Health (DOH) Region 13 ang pagsasagawa ng deworming sa lahat ng mga paaralan sa Surigao del Norte.

Kasunod ito ng ulat ng pagkasawi ng isang estudyante at pagkakaospital ng 7 iba pa sa San Isidro Elementary School matapos painumin ng pampurga noong Hulyo 23.

Sa salaysay ng lola ng nasawing bata, limang oras matapos itong makainom ng pampurga, idinaing ng kanyang apo ang pagkawala ng paningin at pananakit ng tiyan. Agad naman itong isinugod sa ospital pero binawian din ng buhay.

Ayon naman sa class adviser ng nasawing bata na si Thelda Paray, walang binanggit ang estud­yante hinggil sa kanyang nararamdaman noong araw na pinainom ito ng pampurga bagama’t noong Hunyo aniya ay palagi nitong sinasabing sumasakit ang kanyang tiyan.

Sa ngayon, hinihintay pa ng DOH ang resulta ng imbestigasyon sa insidente at autopsy sa nasawing bata habang isinailalim na rin sa toxicity test ang ipinainom na gamot pampurga.

Show comments