^

Bansa

Suspensyon ng 55 eskwelahang Lumad pinaiimbestigahan sa Senado

James Relativo - Philstar.com
Suspensyon ng 55 eskwelahang Lumad pinaiimbestigahan sa Senado
"Kailangang siguruhin na hindi pinagkakaitan ng edukasyon ang kabataang Lumad dahil lang sa pagsisikap ng gobyerno na tugisin ang Bagong Hukbong Bayan," sabi ni De Lima sa Inggles.
Released/Save Our Schools

MANILA, Philippines — Nanawagan ng agarang Senate inquiry si Sen. Leila de Lima kasunod ng pagsuspindi ng Department of Education sa operasyon ng 55 paaralan ng katutubong Lumad sa rehiyon ng Davao nitong ika-15 ng Hulyo.

"There is [a] need to ensure that the Lumad children are not deprived of their right to education because of the ongoing efforts of the government against the New People's Army," sabi ni De Lima sa isang pahayag Martes.

(Kailangang siguruhin na hindi pinagkakaitan ng edukasyon ang kabataang Lumad dahil lang sa pagsisikap ng gobyerno na tugisin ang Bagong Hukbong Bayan.)

Matatandaang naglabas ng suspension order ang Department of Education sa mga nabanggit na eskwelahan matapos aniya hindi makakuha ng mga kinakailangang permit to operate.

"Last year, none of the 55 were issued permits to operate because they could not comply with the requirements," sabi ni DepEd Secretary Leonor Briones sa panayam ng ANC.

(Noong nakaraang taon, hindi nabigyan ng permit ang 55 eskwelahan dahil hindi sila makasunod sa mga rekisitos.)

Sa 55 eskwelahan, 11 lang daw sa mga ito ang nag-apply para sa panibagong permit ngayong 2019.

Tugon naman ni Eule Rico Bonganay, lead convenor ng Save Our School Network, nagsumite na ang mga eskwelahan ng mga kinakailangang requirements for accreditation sa DepEd Region 11.

Ayon naman sa ilang human rights organizations at mismong DepEd-11, ibinase ang suspensyon sa alegasyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na tinuturuang magrebelde ng mga nasabing paaralan ang mga katutubo.

Hindi naman nagustuhan ng Commission on Human Rights ang nangyari at sinabing kinakailangang pa ring dumaan sa due process ang lahat dahil nakokompromiso ang pag-aaral ng mga bata.

Kaugnay ng pansamantalang pagsasara, inihain ni De Lima ang Senate Resolution 34 nitong ika-25 ng Hulyo upang maimbestigahan ito at masigurong walang nalalabag na mga karapatan.

"There is [a] need to isolate the culture-appropriate education of the Lumads from the so-called 'red-tagging' of the government in order to avoid violating their constitutionally-protected rights," ani De Lima.

(May pangangailangan na ihiwalay ang edukasyong angkop sa kultura ng mga Lumad sa pagdidikit sa kanila sa mga rebeldeng komunista upang maiwasan ang paglabag ng kanilang mga karapatang ibinibigay ng Saligang Batas.)

Dagdag ng senadora, nagsisilbi ang mga nasabing lugar bilang alternatibo sa mga institutsyon na madalas na minamaliit ang kultura ng mga katutubo.

Nangako naman si National Commission on Indigenous Peoples chairperson Allen Capuyan na nagtatayo na ng mga panibagong school facilities na maaaring umagapay sa pagkawala ng mga nasabing paaralan.

Sa ilalim ng Indigenous People's Rights Act of 1997, sinasaad na kailangang protektahan at respetuhin ng estado ang karapatan ng mga katutubo at siguruhing may pantay silang kapakinabangan sa mga pambansang batas at regulasyon ng Pilipinas.

Hulyo taong 2017, matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang bombahin ang eskwelahan ng mga Lumad dahil nagagamit daw ito upang turuan ng pag-aaklas ang kabataan.

DEPARTMENT OF EDUCATION

HUMAN RIGHTS

KARAPATAN

LUMAD SCHOOLS

REBELLION

SALUGPONGAN SCHOOLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with