^

Bansa

Lotto tickets itago muna - PCSO

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lotto tickets itago muna - PCSO
Pinayuhan nito ang lahat ng mga advance play tickets na hindi mabobola na itago muna ang kanilang tiket hanggang wala pang inilalabas na bagong kautusan ang Pangulo hinggil sa isyu.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Susunod ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kautusan ni Pangulong Duterte na suspindihin muna ang kanilang gaming activities, dahil na rin umano sa alegasyon ng katiwalian.

“Pursuant to the order of the President, suspending PCSOs gaming activities, the PCSO Board directs compliance to said instruction until further notice,” ani PCSO General Manager Royina M. Garma.

Inabisuhan rin ni Garma ang kanilang valued customers na pansamantala munang suspendido ang lahat ng PCSO games.

Pinayuhan nito ang lahat ng mga advance play tickets na hindi mabobola na itago muna ang kanilang tiket hanggang wala pang inilalabas na bagong kautusan ang Pangulo hinggil sa isyu.

“All players with advance play tickets are advised to keep their tickets until further notice,” ani Garma.

Siniguro naman ni Garma na aapela sila sa Pangulo na maipagpatuloy ang pagsasagawa ng lahat ng kanilang gaming activities para na rin umano sa interes ng PCSO, kanilang mga ahente at mga benepis­yaryo.

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with