^

Bansa

P18-B halaga ng mga gamot nakaimbak sa bodega ng DOH

Doris Franche, Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
P18-B halaga ng mga gamot  nakaimbak sa bodega ng DOH

Merong expired na o malapit nang mapaso

MANILA, Philippines — Mayroong P18 bil­yon na halaga ng mga gamot ang Department of Health (DOH) ang nakaimbak lamang sa warehouse at nag e-‘expire’ na.

Ito ang nadiskubre ng Commission on Audit (COA) kung saan tumaas ito ng P2.4 bilyon mula 2017 kung saan ang DOH ay mayroong mahigit na P16 bilyon halaga ng mga gamot ang hawak nila para ipamahagi sa mga pampublikong ospital.

Natuklasan ng COA na umabot na sa 51 buwan sa bodega ang mga gamot na hindi naipapamahagi habang patuloy pa rin umano ang pagbili ng DOH ng mga gamot subalit bigo namang masolusyunan ang overstocking.

Nadiskubre din ng COA na may P367 mil­yong halaga ng mga gamot ang halos mag-e-‘expire’ na habang ma­higit sa ?19 milyong halaga ng mga gamot, medical at dental supplies ang naideliber sa may 17 health facilities sa buong bansa kabilang na dito ang National Center for Mental Health at Tondo Medical Center.

Umaabot naman sa P30 million ng mga gamot na nadala sa mga health facilities ang expired na kaya lumalabas na nalugi lamang ang gobyerno dahil sa mga nasayang na gamot.

Pero ipinahayag kahapon ng DOH na sinimulan na nitong ipamahagi ang mga overstock at malapit nang ma-expired na gamot.

Ang hakbang ng DOH ay tugon sa 2018 report ng Commission on Audit o COA patungkol sa mga malapit nang masirang mga gamot at sobra-sobrang imbak na nagkakahalaga ng P295.767 million noong  January 31, 2019.

Ilan lamang sa mga gamot na nakaimbak na  malapit nang mapaso ang gaya ng filariasis kits, CD4 cartridge kits, Tuberculin PPD at Japanese Encephalitis vaccines.

Ipamumudmod naman ang natitirang met­formin inventory na 133,500 units mula sa 988,800 units sa local go­vernment units (LGUs), Centers for Health and Development (Regional Offices) at mga DOH hospitals para magamit ng mga pasyente sa OPD o  outpatient departments hanggang katapusan nitong  July 2019.

Bilang tugon sa rekomendasyon ng COA sa  2018 report, puspusan na ang pagtratrabaho ng DOH Teams upang maresolba ang isyu sa  overstocking,  distribution at pag-iimbakan.

Naglaan na rin ng pondo para sa pamba­yad sa renta ng bodega at pagkuha nito para sa mabilisang distribusyon ng gamot.

DEPARTMENT OF HEALTH

MEDICINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with