MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong tanggalin ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno sa sakop ng Bank Secrecy Law upang masilip ang kanilang pera sa bangko.
Sa Senate Bill No. 374 na inihain ni Senator Leila de Lima, nais nitong maamiyendahan ang Republic Act 1405 para matanggal sa coverage ng batas ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno.
Naniniwala si de Lima na makakatulong ang kanyang panukala para mabawasan ang korupsiyon dahil magkakaroon ng transparency sa pamahalaan.
Sa ilalim ng SB 734, ang mga bank accounts at local at foreign currency deposits ng mga itinalaga at inihalal na opisyal at empleyado ng gobyerno kahit pa ano ang kanilang ranggo ay hindi dapat magkaroon ng pribelihiyo ng “confidentiality.” Kabilang sa sasakupin ng panukala ang mga miyembro ng militar.