MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magbibigay-daan sa pagtatatag ng National Commission of Senior Citizens.
Nakasaad sa Repubic Act No. 11350 na mapapailalim sa Office of the President ang naturang komisyon na magkakaroon rin ng principal office sa National Capital Region at iba pang field offices.
Layunin ng komisyon na ipatupad ang mga batas para sa senior citizens at bumuo ng mga patakaran para isulong ang kapakanan nila.
Ang komisyon rin ang siyang kakatawan sa bansa sa international functions, fora, conferences at iba pang mga programa para sa senior citizens
Ang magiging composition ng komisyon ay isang chairperson at 6 na commissioners na nasa edad 60 pataas na kakatawan sa kinabibilangan nilang iba’t-ibang rehiyon sa bansa.
Ang pangulo ng bansa ang siyang magtatalaga ng chairperson at commissioners habang ang commission naman ang magtatalaga ng isang executive director.